NAKA-SILVER! Itinaas ng pambato ng Pilipinas na si Rogen Ladon ang kanyang mga kamay matapos ang laban niya kay Jasurbek Latipov ng Uzbekistan, sa men’s flyweight boxing final sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia, kahapon. Nagwagi si Latipov, habang kumubra ng silver medal si Ladon para sa bansa.  (AP/LEE JIN-MAN)

Muling nadagdagan ang silver medals ng Pilipinas sa 18th Asian Games 2018, nang masungkit kahapon ni Rogen Ladon ang nasabing medalya matapos siyang mabigo sa laban kay Latipov Jasurbek ng Uzbekistan sa men’s flyweight finals.

Una nang nakasungkit ng bronze medals sa boxing sina Carlo Paalam at Eumir Marcial.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang apat na gintong medalya, dalawang silver, at 15 bronze sa Asian Games, na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’