Exo, MXM, Hyeongsaeop x Euiwoong, The Bozy at Weki Meki
Exo, MXM, Hyeongsaeop x Euiwoong, The Bozy at Weki Meki

Ni JONATHAN HICAP

GAGANAPIN sa Manila ang Show Champion TV program ng MBC Music, sa ikalawang pagkakataon sa Oktubre 28 sa Mall of Asia Arena.

Ang mga K-pop artist na magtatanghal sa Manila show ay ang EXO, Weki Meki, MXM, The Boyz at Hyeongseop x Euiwoong.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Maliban sa EXO, ilan sa mga miyembro ng ibang male groups ay mga lumahok sa survival audition TV program na Produce 101 Season 2 gaya nina Ju Haknyeon ng The Boyz, Im Young-min at Kim Dong-hyun ng MXM, at Ahn Hyeongseop at Lee Euiwoong ng Hyeongseop x Euiwoong.

Nakipagtungggali sina Sei, Elly, Yoo-jung at Do-yeon sa Produce 101 Season 1, at naging bahagi ng temporary group na I.O.I.

Noong Setyembre 3, 2016 ginanap ang unang Show Champion sa Manila, ang ika-200 episode nito. Nagtanghal noon ang grupong BTS, B.A.P, VIXX, Astro, KNK, M&D, AOA, Sonamoo at Gugudan.

Ipinalalabas ang Show Champion nang live tuwing Miyerkules sa South Korea.