IPINALIWANAG ni Arron Villaflor kung bakit hindi nagtagal ang relasyon niya with GirlTrends member Jane de Leon.

aaron at dawn

Naging sobrang busy siya sa mga biyahe niya sa ilang resorts sa iba’t ibang panig ng bansa, at para sa mga events ng Umagang Kay Ganda, na isa siya sa mga travel segment hosts, kaya naman naging pabaya siya sa pag-ibig, na hindi umayon sa kanyang inaasahan.

Nagkasabay-sabay pa ang kanyang trabaho, gaya ng indie film na Mata Tapang at ang showing na sa September 5 na Goyo: Ang Batang Heneral.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Dahil dito, aminado ang aktor na hindi niya kayang pagsabayin ang trabaho at personal life.

“Most of the time now, I just wanna breathe. Somehow parang things confused me before about my personal and work,” pag-amin ni Arron. “Pero ngayon, I’ve decided na, okay, I can do both things na I’m enjoying with my work and enjoying with my personal life.

“I decided, to work na lang muna and saka na ‘yung personal life.”

Nilinaw din ng aktor ang kaugnayan niya sa ex-Pinoy Big Brother housemate na si Dawn Chang, na nakakasama niya sa isang segment ng ABS-CBN morning show na Umagang Kay Ganda.

“Wala (kaming relasyon)!” natatawang tanggi ni Arron. “Never naging kami ni Dawn Chang… almost kasi, eh.”

Aniya, na-develop ang kanilang closeness sa UKG at muntik-muntikan na raw talaga silang magkatuluyan.

“Kasi kantiyawan ‘yun, eh, kantiyawan. Maraming may alam. Tagal na nun, ha, a year na rin, mga ganun.

“Parang we both decided na ‘hindi, kailangan na lang tayo, baby love’. Kasi tawagan namin, baby love. ‘Let’s just work and stuff.’ Siya na ‘yung nagsabi na, ‘Baby love, easy lang tayo’. Kasi almost na talaga. Sabi ko, ‘okay, let’s just work’.

“Then na-build na ‘yung friendship namin; nagsasabihan na kami ng personal life namin, ganun-ganun. So ngayon, sobrang concrete ‘yung friendship namin, and somehow in-advice niya ako about my personal life na, ‘just take it easy, baby love’.

“Ako naman, very supportive ako sa kanya, to think she has a boyfriend now. We’re still communicating, we’re concrete friends talaga.

“I’m really grateful and thankful that I’ve met Dawn. (But) Right now, I’m just enjoying myself and my work, I’m still working with Umagang Kay Ganda.”

Sa naging hiwalayan nila ng GirlTrends member na si Jane, ‘tila raw pansamantalang nawalan ng focus si Arron sa kanyang career..

“Somehow, may kailangan lang kaming i-priority sa mga bagay-bagay. Ganun talaga, eh.

“Sabi nila, walang forever. I don’t really believe kasi meron talagang forever, as long as they’re gonna work on each side,” pagtatapos pa ni Arron.

-ADOR SALUTA