ILOILO CITY - Sinalakay ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang lugar na pagtatayuan ng mini-hydro power plant sa Igbaras, Iloilo, nitong Miyerkules.

Sa ulat na natanggap ng Police Regional Office (PRO-6), nilusob ng hindi madeterminang dami ng mga rebelde ang power plant ng Century Peak Energy Corporation sa Barangay Icabugao, kamakalawa ng hapon.

Nang makarating sa militar ang insidente, agad na rumesponde ang mga tauhan ng 61st Infantry Battalion (61 IB) ng Philippine Army (PA), na nagresulta sa 10 minutong sagupaan.

Sugatan sa insidente ang empleyadong si Sheila Mae Esteves at isinugod sa opsital dahil sa tama ng bala sa pigi.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Habang isinusulat ang balitang ito, nagsasagawa ng hot pursuit operation ang militar laban sa mga rebelde.

-Tara Yap