ILIGAN CITY, Lanao del Norte - Isang person with disability (PWD) ang natusta nang masunog ang bahay nito sa Barangay Tipanoy, Iligan City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Felix Dayday, 57, putol ang isang paa, ng Pindugangan, Barangay Tipanoy ng naturang lungsod. Sa ulat, kalalabas lamang ni Dayday sa ospital dahil sa sakit na diabetes.

Sumugod ang mga residente sa bahay ni Dayday upang siya ay iligtas, ngunit tumanggi umano ito at nagpasyang magpaiwan, bandang 1:06 ng hapon.

Isinugod naman sa ospital ang asawa nito nang ma-trauma sa insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Fire chief investigator Senior Fire Officer 2 Reynaldo Maliao, aabot sa 54 na residential at commercial houses ang nilamon ng apoy, na naapula bandang 2:29 ng hapon. Tinatayang aabot sa P8 milyon ang halaga ng ari-arian ang naabo.

-BONITA L. ERMAC