YANGON (AFP) – Ibinasura ng Myanmar kahapon ang findings ng imbestigasyon ng United Nations na inaakusahan ng genocide ang militar nito laban sa Rohingya.

Matindi ang pressure sa Myanmar ngayong linggo kaugnay sa military crackdown noong nakaraang taon na nagpalayas sa 700,000 ng Muslim minority patungong Bangladesh.

Nakasaad sa ulat nitong Lunes ng UN fact-finding mission na mayroong ebidensiya ng genocide at crimes against humanity ‘’perpetrated on a massive scale’’.

Sa session ng UN Security Council nitong Martes ng gabi ilang bansa -- kabilang ang United States – ang nanawagan sa military leaders ng Myanmar na harapin ang international justice.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ngunit ibinasura ng Myanmar kahapon ang remit ng UN mission at findings nito.

‘’We didn’t allow the FFM (the UN Fact-Finding Mission) to enter into Myanmar, that’s why we don’t agree and accept any resolutions made by the Human Rights Council,’’ sinabi ni government spokesman Zaw Htay sa pahayagang Global New Light of Myanmar.