Hindi pinatulan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang hamon ni Senador Risa Hontiveros na isapubliko kung ano ang nagawa ng kagawaran laban sa panghihimasok ng China sa ating teritoryo.

Sa pagdinig kahapon para sa budget ng DFA, hinamon ni Hontiveros si Cayetano na ilantad ang mga detalye sa sinasabi ng kalihim na naghain na ito ng 50-100 diplomatic protests laban sa China..

“Can the DFA give us the exact date and time when these diplomatic actions against China were made? What channels and platforms were used? How many times did the Chinese government respond? What was the nature of China’s diplomatic responses?” pagtatanong ni Hontiveros.

Gayunman, iginiit ni Cayetano na hindi kailangang isapubliko ang estratehiya ng DFA, bagamat sinabi niyang handa siyang sabihin ito kay Hontiveros sa isang “closed door session”.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinaliwanag ni Hontiveros, mahalagang malaman ng publiko ang mga detalye ng mga diplomatic protests dahil ang alam ng taumbayan ay isang beses lang naghain ng protesta ang Pilipinas laban sa China, at ito ay nang maglagay ng mga missile system ang huli sa Spratly islands, kasabay ng pananakot ng mga tauhan ng Chinese Navy sa Philippine Navy na maghahatid sana ng supply sa Ayungin Shoal.

-Leonel M. Abasola