SI Benjamin Alves ang gumaganap na Manuel L. Quezon sa historical epic trilogy na nagsimula sa Heneral Luna, susundan ng Goyo: Ang Batang Heneral na malapit nang ipalabas, at magtatapos sa film-bio ng isa sa pinakamakukulay na katauhang naging pangulo ng Pilipinas.

Benjamin

“Napanood na sa Heneral Luna si Quezon pero konti lang,” kuwento ni Benjamin nang mainterbyu namin sa media launch ng Goyo nitong nakaraang linggo. “Tauhan siya ni Goyo kaya mahaba-haba na ang exposure niya dito sa pangalawang pelikula.”Inusisa namin kung ruthless soldier ba o thinker na ang Quezon na ginagampanan niya, pero ayaw mag-reveal ng kahit katiting na detalye ang aktor.

“Mas exciting po kung sa panonood ninyo i-discover ang ugali at pagkatao niya.”Hindi nagmamadali sa career si Benjamin Alves.

Relasyon at Hiwalayan

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe

“Pakiramdam ko, tama lang ang pacing ng career ko.”

Ramdam niya na may pinatutunguhan ang career niya, at sa katunayan ay ini-enjoy niya ang trabaho kahit may kahirapan lalo na sa mabusisi at malayuang location nila ng Goyo. Kahit busy sa taping ng morning seryeng Kapag Nahati ang Puso ng GMA-7, tiniyak niyang present siya sa produksiyon ng much awaited movie ng taon.

Inaral niyang mabuti ang kanyang role lalo’t itinuturing niya itong biggest break niya. Kinarir niya ang pagbabasa ng reading materials na ibinigay sa kanya ni Direk Jerrold Tarog.

Mahusay na aktor at matinong kausap at tao si Benjamin, tulad din ng kanyang uncle na si Piolo Pascual na mas nauna at mas established na ang estado sa industriya.

-DINDO M. BALARES