PHOENIX, WASHINGTON (AFP, AP) – Nagbabala ang namayapang US Senator John McCain laban sa ‘’tribal rivalries’’ na naghasik ng ‘’hatred’’ sa buong mundo, sa huling mensahe na binasa nitong Lunes at tila patama kay President Donald Trump.
‘’We weaken our greatness when we confuse our patriotism with tribal rivalries that have sown resentment and hatred and violence in all the corners of the globe,’’ sinabi ni McCain sa farewell statement na binasa ng kanyang campaign manager na si Rick Davis.
‘’We weaken it when we hide behind walls, rather than tear them down, when we doubt the power of our ideals, rather than trust them to be the great force for change they have always been,’’ idinagdag niya, na halatang tumutukoy sa panguluhan ni Trump.
TRUMP ISOLATED
Matapos ang dalawang araw na pananahimik, bumigay si Trump sa pressure nitong Lunes at kinilala ang “service to our country” ni McCain at muling ibinaba ang bandila sa White House.
Kahit na inalala ng buong nasyon si McCain bilang war hero, longtime senator at presidential nominee nitong weekend, may galit pa rin sa pusi ni Trump. Matagal na niyang nakakabangga si McCain sa maraming isyu sa kanilang magkaibang istilo at polisiya na hindi nagtapos kahit na nagkasakit at namatay ang senador.
Nang sa wakas ay magkomento siya, pilit ang papuri ni Trump sa six-term senator: “Despite our differences on policy and politics, I respect Senator John McCain’s service to our country.”
Nang umagang iyon, tila batong naupo si Trump sa harap ng reporters sa ilang photo sessions na inimbitahan siya para magkomento kay McCain. Sa pag-ulan ng mga katanungan sa kanya tungkol sa legacy ni McCain, walang sagot ang karaniwan nang madaldal na pangulo.
Kahit na ang mga pahayag ni Trump ay sinisikap na mabura ang kontrobersiya, ang upcoming weeklong celebration ng buhay ni McCain ay maghahatid ng panibagong awkwardness. Magsasalita ang mga dating pangulo sa funeral ni McCain sa Sabado, ngunit nilinaw ng pamilya ng senator na hindi nila nais na dumalo si Trump.
Ililibing si McCain sa Linggo sa Naval Academy sa Annapolis, Maryland.