May 22, 2026

Home BALITA

DOE Sec. Garin sa pagtaas pa ng presyo ng langis: ‘Only God knows!’

DOE Sec. Garin sa pagtaas pa ng presyo ng langis: ‘Only God knows!’
Photo Courtesy: Sharon Garin (FB), via MB

Hindi inaalis ni Department of Energy (DOE) Sec.Sharon Garin ang posibilidad na sumipa ng $200 ang kada barrel ng langis sa pandaigdigang merkado sa patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan.

Sa isinagawang media conference noong Marso 16, 2026, sinabi ni Garin na Diyos lang umano ang nakakaalam ng lahat.

“Is it true that it [fuel] will reach 200? I don’t know…Only God knows. But if it reaches 200, it is 200. That means fuel will be more expensive. That means you have to plan your fuel consumption,” saad ni Garin.

Dagdag pa niya, “Kung mahal ‘yong diesel, dapat ikontrol natin ‘yong expenses natin sa fuel. What is more important is that we do have enough fuel for everyone.”

Sa kabila nito, tiniyak ni Garin na sapat umano ang suplay ng langis sa bansa sa imbentaryo nito sa buwan ng Abril. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sa ngayon, plano ng ahensya na ma-secure ang elektrisidad 

Aniya, “We're all working...to find ways to make sure na hindi katugma ng increase sa diesel 'yong pag-increase sa electricity.”

“Mayroon na kaming design on how to do that as a temporary measure para 'di po affected, especially Meralco,” dugtong pa ng kalihim.

Matatandaang pagpasok pa lang ng Marso, kinumpirma na ni Garin na tataas ang presyo ng produktong petrolyo bunsod ng ginawang pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran. 

Maki-Balita: ‘We need to expect that!' DOE, kinumpirma posibilidad na pagratsada ng presyo ng produktong petrolyo