HINDI na nakawala si Denise Laurel sa kontrabida roles, dahil lahat ng projects niya ay laging ganun ang papel niya—ang guluhin ang buhay ng mga bida, na talagang effective naman niyang nagagampanan.

denise copy

Sanay na rin si Denise na magalit sa kanya ang mga tao at tinatawag siya sa kung anu-anong pangalan. Okay lang, dahil ibig sabihin ay dalang-dala niya ang viewers sa pagiging kontrabida niya. Isa lang ang pakiusap ng aktres, ang huwag siyang sasaktan.

Nakakatawa nga dahil halos lahat ng nanonood ng Sana Dalawa Ang Puso ay “impaktita” ang tawag kay Denise, bilang si Primera o Prim, na ginugulo ang relasyon nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria bilang Mona at Lisa. Isama pa si Irma Adlawan na madrasta niya at dahilan kaya namatay ang tatay niya. Kaya kinutsaba niya si Christopher de Leon para paalisin ang anak nito sa kumpanyang pinamamahalaan ng stepmom.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kabilang banda, tauhan naman ni Denise si Bong Regala, na best friend ni Irma at pinababantayan ang lahat ng galaw nito sa opisina.

Anyway, may tatlong linggo na lang ang Sana Dalawa Ang Puso, at base sa TFC subscribers, ayaw nilang tapusin ito dahil ito raw ang pinakapaborito nilang panoorin. Sila ang loyal supporters nina Richard at Jodi simula pa noong Be Careful with My Heart days.

Speaking of Jodi, aminado ang aktres na sobra siyang busy sa pag-aaral at sa taping ng Sana Dalawa Ang Puso kaya bihira silang magkita ng anak na si Thirdy. Equally busy din naman ang bagets din dahil pagkatapos ng klase nito sa De La Salle ay may ensayo naman ng basketball bilang varsity player ng eskuwelahan.

Kaya kapag parehong may bakanteng oras ang mag-ina ay wala silang sinasayang na sandali para mag-bonding. Kamakailan nga ay nag-post ang aktres na magka-date sila ng anak.

“I had a lunch date. He’s handsome and witty. He was polite and had manners. He’s 13. Love you, anak. More dates, pls? @tlacson29._”

Anyway, walang ipinagkaiba sina Jodi at Denise, na parehong may anak. Si Denise, kapag walang trabaho, ay talagang sinasamahan ang anak na si Alejandro sa school activities nito, bukod pa sa pagtu-tutor.

Post ni Denise sa Instagram: “Every moment spent with my big baby big guy (he’s big but will always be my baby lol) @thebukiechannel is a magical one but something that is so important to me is starting our mornings together, with a happy tummy and a full heart. We talk, eat and start the day with positivity!! How about you? How do you make #MagicMoments with your #MagicCrackers? #latepost #upat4am #mommodestrong.”

May YouTube channel ang mag-ina, at doon nila ipino-post ang lahat ng aktibidades nila. Umaabot sa 2.2K views ang mga ipino-post ng mag-ina, habang may 44k views naman ang mga ipino-post nila sa IG ni Denise.

Samantala, abangan ang mga sekretong mabubunyag tungkol sa karakter ni Denise na si Prim sa huling linggo ng Sana Dalawa ang Puso. Bukod dito, aamin si Irma na anak niya sina Mona at Lisa, na kambal na nagkalayo dahil sa hirap ng buhay.

Mapapanood ang Sana Dalawa ang Puso bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

-Reggee Bonoan