V-Day ng Pinoy cagers, target ngayon vs Koreans

Aminado si National head coach Yeng Guiao na kulang sa kahandaan – bilang isang buong koponan -- ang Philippine Team para sa pagsabak sa malaking international competition tulad ng Asian Games.

Ngunit, tulad nang mga palabang sundalo, determinado si Guiao na maibigay sa Nationals ang kaalaman na posibleng makasakit sa preparasyon ng pamosong South Korea aquad.

“We are still in a learning process. We are still in the stage that we try to bring everybody to the same page. That requires time. When you have limited time, that’s frustrating,” pahayag ni Guiao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Wala sa hinagap ni Guiao na makararating dito sa Jakarta matapos ang naunang pahayag ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa pagatras sa Asian Games. Ngunit, kagyat na nagiba ang ihip ng hangin – matapos dagsain ng negatibong pahayag sa social media network – at muling sumabak ang Team Philippines kasabay sa pagkuha kay NBA player Jordan Clarkson.

At ngayon, tunay na mahirap para kay Guiao na maihanda ang koponan laban sa Asian powerhouse.

Haharapin ng Pinoy cagers ang Koreans sa quarterfinal match ngayon ganap na ala 1:00 ng hapon (2pm sa Manila).

Bukod sa kakulangan nang pagkakataon na mag-jell ang mga players bunsod nang agarang paglarga, malaking hamon din kay Guiao ang kakulangan sa oras nang pagsasanay.

“Kailangan talaga namin ensayo, kaso kulang naman yung oras na allotted sa atin. We tried to look for other venue para makaensayo outside sa allotted time ng organizers,” pahayag ni Guaio.

“Malupit na kalaban ang South Korea. Daming shooters at yung naturalized players nila (Ricardo Ratliffe) kabisado na rin ans istilo natin dahil matagal ding naglaro yan sa PBA,” aniya.

Tangan din ng Koreans ang bentahe sa kasaysayan sa nakalipas na apat na Asian edition bilang mahigpit na karibal ng Pinoy.

“We try to put together two hours of practice, try to find a gym because it is just not enough for us. Kulang talaga sa oras,” aniya.

Ilang ulit nang pinanood ng Nationals ang tape ngm ga laro ng Koreans at nakatuon ang pansin hindi lamang kay Ratliffe, bagkus sa outside shooting ng mga ito.

“We are trying to finetune the gameplan. Meron na tayong gameplan. But in order to be effective, you have to do it with a longer period than what is given to us,” pahayag ni Guiao.

“But a lot is also depended on the IQ of the players. Kapag maikli ang oras, mabilis sila makaintindi. Mabilis nila ma-absorb. We will watch video and we are going to break it down in order for them to understand the concepts. From concepts to practice in simulated game situations. Kailangan tayo