IBINAHAGI ng actor-talent manager na si Ogie Diaz sa social media ang kanyang pinagdaanan at ang inspiring journey ng kanyang anak na si Meerah Khel (na hango ang pangalan sa salitang miracle), na isinilang na pre-mature.

Ogie at pamilya

“Kilala nyo ba ang batang ito na ipinanganak nung Feb. 9, 2017? Premature baby, 680 grams lang na nagtagal sa tiyan ng mama niya nang anim na buwan lang. Isang dangkal lang ang laki. Apat na buwang nakatira sa ospital at ilan din yung nakakabit na aparato sa katawan niya na nagsilbing jumping rope niya sa loob ng incubator,” post ni Ogie.

Ipinagmalaki rin ni Ogie na hindi sumuko ang kanyang anak at lumaban ito para mabuhay. “Ang bata mismo, kapansin-pansin sa araw-araw, hindi sumusuko. Lumalaban, kaya hindi rin sumuko ang mama’t daddy niya at ang mga doktor sa Delgado Hospital, kasama ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya,” dagdag pa niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ayon pa sa kasamahan sa panulat ni Ogie, ipinapalagay niya na ang buhay ng kanyang anak ay isang himala. “Ngayon, anlayo na rin ng narating ng mga pagsubok na dinaanan niya para lang makita niya ang ganda ng mundo kahit magulo. ‘Yung araw-araw na paglakas niya? Himala at ginto ang turing ng kanyang mama at daddy,” taos-pusong pagbabahagi ni Ogie.

-Ador V. Saluta