Dear Inang Mahal,

Nalaman ko na kalaguyo ng aking boss na lalaki ang kanyang secretary. Mangyari, ang kanila pong relasyon ay parang open secret naman. May asawa po ang aking boss, pero ang kasama n’ya sa lahat ng functions, sa meetings at pati sa mga parties ay ang kanyang girlfriend. Kinakabahan ho ako sa epekto ng kanyang ginagawa sa aming kumpanya. Sa loob ng limang taon na pagtatrabaho ay ngayon lamang kumilos nang ganito ang aming boss, na para bang walang pakialam kahit masira ang aming kumpanya. Ako po ay kilala ng kanyang misis, at naiisip ko, na magsumbong para matapos na ang aming problema. O, maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho?

Liway

Dear Liway,

Kung haling na haling ang iyong boss sa kanyang girlfriend, tila wala kang magagawa para mapigil ito. Pwede kang magsumbong sa kanyang misis, pero anong kabutihan ang idudulot nito? Idaragdag mo lang ang kanilang hiwalayan, sa kasalukuyang sitwasyon. Kung babagsak ang inyong kumpanya, ang boss mo ang unang makakaalam nito, at sa panahong ‘yon, baka hindi na rin ganoon kainit ang relasyon nila ng kanyang GF.

Sa halip na makialam sa pribadong buhay ng iyong boss, mas mainam para sa iyo kung ang pagtutuunan mo ng panahon ay ang mga bagay kung paano mapapaunlad ang iyong sarili. P’wede kang ma-aral ng bagong skills, par mas lumaki ang tsansa na magkaroon ka ng mas magandang trabaho. P’wede kang mag-aral ka ng basic accounting o basic management skills. Nauunawaan ko ang pagnanais mong makatulong pero wala kang kapangyarihan na lutasin ang problema ng iyong boss.

Nagmamahal, Manay Gina

“To be angry about trifles is mean and childish; to rage and be furious is brutish; and to maintain perpetual wrath is akin to the practice and temper of devils; but to prevent and suppress rising resentment is wise and glorious, is manly and divine.”

---- Alan W. Watts

-Gina de Venecia