MABABASA sa Instagram ni Kevin Kwan, author ng librong Crazy Rich Asians ang “Are you ready?” na comment sa isang news item na ipinost niya.

Ang news item ay may titulo na, “Crazy Rich Asians Sequel Moves Forward With Director Jon M. Chu”, at may picture ng direktor ng ipinalalabas ngayong film version ng pelikula, si Jon Chu.

Positive ang reaction ng netizens na sequel ng box-office hit na Crazy Rich Asians, para sa second book sa trilogy ni Kevin Kwan titled China Rich Girlfriend. Siguro naman, hindi magtatagal ang sequel dahil box-office hit ang Crazy Rich Asians.

May mga nagre-request kay Kevin na isama si Kris Aquino sa China Rich Girlfriend. Sana raw ay mas mahaba ang role ni Kris this time, dahil may power naman si Kevin sa casting ng Crazy Rich Asians.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Remember, wala sa libro ang role ni Kris sa movie na si Princess Intan, pero dahil kay Kevin, nasama sa movie adaptation ang karakter ni Princess Intan.

Matutuwa si Kris nito na malamang may bumili ng books ni Kevin at nanood ng Crazy Rich Asians. May 3.7 million followers sa Instagram si Kris, at marami rin siyang followers sa Twitter at Facebook. Malaking bagay ang suporta ng followers ni Kris sa success ng movie, aminin man at hindi ng bashers niya.

-NITZ MIRALLES