BANGUED, Abra - Nangisay ang isang anim na buwang buntis nang makuryente habang kinukumpini ang ilaw sa kanilang poultry farm, nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Merleen Boloante Alagao, 22, ng Sitio Adamay, Budac, Tayum sa Abra.

Sa ulat ng Tayum Municipal Police Station, naganap ang insidente sa loob ng poultry farm, dakong 5:30 ng madaling araw.

Tinangka pang isugod sa ospital si Alagao, ngunit binawian din ng buhay.

-Rizaldy Comanda

Probinsya

Tagapagmana ni Ruben Enaje sa pagpapako sa krus, nakahanda nang saluhin panata