ZAMBOANGA CITY – Naharang ng Bureau of Customs (BoC) at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang motorboat nitong Linggo, na kinalululanan ng nasa 2,000 sako ng imported sugar, na tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon, sa Pilas Island, Basilan.
Ayon kay Zamboanga BoC District Collector Atty. Lyceo C. Martinez naharang ng BoC at PCG operatives ang M/B Fatima Shakira bandang 5:00 ng hapon.
Nadiskubre na ang naturang motorboat ay may sakay na nasa 2,000 sako ng imported sugar na nagmula sa Labuan, North Borneo.
Wala rin umanong importation permit mula sa SRA ang nasabing motorboat.
Nasa Basila si Lapeña nitong Sabado upang personal na kumpiskahin ang 4,000 sako ng imported sugar, na nagkakahalaga ng P8 milyon, mula sa PCG.
-Nonoy E. Lacson