MABILIS na humingi ng sorry ang Kapuso young star na si Kate Valdez sa mga taga-Davao na alam niyang na-offend sa Instagram story na nai-post niya last Saturday, na gusto na niyang umuwi dahil natatakot siya.

Kate Valdez copy

Heto ang post ni Kate sa paghingi niya ng sorry: “I would like to extend my sincerest apology to those whom I’ve offended with my post yesterday. I am just bit frightened that I could not reach Manila on time. I have several duties and personal commitments to fulfill. It is not aimed to put malice or maligned any reputation.

“Thank you so much for those who patiently waited and joined with us in our mall tour in Gaisano, we had so much fun!! Maraming salamat, mga Kapuso!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasa Davao kasi ang cast ng family-drama series na Onanay, na isa sa cast si Kate, para sa Kadayawan Festival, kasama ang iba pang artista. Understandable ang worry ni Kate dahil nga sa problema sa NAIA na hindi mo alam kung nakaalis ka ay makababalik ka pa sa Manila on time. Iyong ibang artista na dapat ay kasama rin sa celebration ng annual Kadayawan Festival ay merong hindi nakatuloy dahil walang flight.

Kung may mga nang-bash kay Kate dahil sa post niya, marami rin namang netizens na nagtanggol sa kanya. Nagpasalamat din si Kate sa kanilang lahat.

-NORA V. CALDERON