SAN FRANCISCO (AFP) – Sinabi ng Facebook nitong Martes na pinigil nito ang stealth misinformation campaigns mula sa Iran at Russia, isinara ang accounts bilang bahagi ng paglaban sa fake news bago ang eleksiyon sa United States at iba pang bansa.

Tinanggal ng Facebook ang mahigit 650 pages, groups and accounts na natukoy bilang ‘’networks of accounts misleading people about what they were doing,’’ ayon sa chief executive nitong si Mark Zuckerberg.

Ang accounts, ang ilan ay sa Instagram na pag-aari ng Facebook, ay iprinisinta bilang independent news o civil society groups ngunit sa katunayan ay magkakasabwat sa trabaho, sinabi ng social network firm executives sa briefing sa reporters.

Tinarget ng content na ipinaskil sa accounts ang Facebook users sa Britain, Latin America, Middle East, at US, ayon sa pinuno ng cybersecurity policy na Nathaniel Gleicher
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'