BARCELONA (AFP) – Binaril at napatay ng pulis ang isang lalaki na armado ng patalim na nagtangkang umatake sa isang police station sa hilaga ng Spanish region ng Catalonia nitong Lunes, na ayon sa mga awtoridad ay isang “terrorist attack”.
Sinabi ng pulisya na tinawag ng lalaki ang pangalan ni Allah habang umaatake. Nangyari ito ilang araw matapos ang unang anibersaryo ng twin attack sa Catalonia na ikinamatay ng 16 katao.
Dumating ang lalaki sa saradong police station sa bayan ng Cornella de Llobregat malapit sa Barcelona dakong 5:45 ng umaga at paulit-ulit na pinindot ang buzzer para papasukin siya, sinabi ni Rafel Comes, commissioner ng Catalan regional police, sa news conference.
Matapos siyang papasukin ng pulis ay bumunot ng malaking patalim ang lalaki at inambahan ang mga opsiyal na “clearly premeditated desire to kill an agent of our force,” ani Comes.