KASABAY ng celebration ni Mark Herras ng ika-13 niya sa showbiz ay pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Network nitong Huwebes.

Mark Herras

Nagpapasalamat si Mark na simula nang manalo siya bilang unang StarStruck Ultimate Male Survivor ay hindi siya pinabayaan ng Kapuso network.

“Ako, malakas ‘yung loob kong sabihin na I will be with GMA, and kung puwede nga habang buhay, I will stay dito. Kasi ito talaga ‘yung nagbigay sa akin ng opportunity na maging artista, na matulungan ‘yung family ko and maging maayos ‘yung buhay ko. So ‘yung loyalty ko talaga is with GMA,” sabi ni Mark.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Minsan nang tinagurian bilang Bad Boy of the Dance Floor, marami pang nais patunayan sa kanyang sarili si Mark. Kamakailan, sumabak na rin siya sa pagkokontrabida, at enjoy ito ng aktor dahil higit na nahahasa ang husay niya sa pag-arte.

“Nasimulan sa The Cure ‘yung kontrabida roles. So mostly ngayon, mga ganun ‘yung gagawin namin. Mas challenging gawin, at doon ko kasi mas kayang laruin ‘yung karakter sa screen,” sabi ni Mark.

Appreciated din naman ni GMA Chairman-CEO Atty. Felipe Gozon ang loyalty ni Mark sa Kapuso Network.

“Well, natatandaan ko si Mark na kauna-unahan siyang nanalo sa StarStruck. Original ‘yan. That’s why he’s really home-grown. And I am very glad that he’s succeeding in his craft,” ani Gozon.

Ibinalita naman ni GMA Entertainment Content Group Senior Vice President Lilybeth Rasonable na after ng The Cure ay malapit nang magbalik-primetime si Mark.

“Nakita naman natin ‘yung development niya as an actor, kaya natutuwa tayo. So we want to give him more challenging roles. We’re glad because he is able to stretch his abilities and it shows his maturity and his growth as an artist, na willing to tackle not only good boy roles but also a wider range of roles,” sabi ni Ms Lilybeth.