LIKAS na sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang laging nagbibigay ng saya sa mga tao, sa pamamagitan ng kanilang advocacies at ng mga teleseryeng ginagawa nila sa GMA Network.

Dingdong Dantes copy

Kung last week, sa kanyang birthday nitong Agosto 12 ay pinasaya ni Marian ang mga batang may cleft palate sa pamamagitan ng libreng operasyon mula sa Smile Train, nagpangiti naman si Dingdong ng isang fan na may sakit na labis siyang iniidolo.

Inimbita ni Jessica Soho si Dingdong para mag-guest sa Kapuso Mo Jessica Soho at ma-meet nang personal ang fan niyang si Richard. Hindi na makalakad o makakilos si Richard dahil sa kumplikasyong dulot ng sugat sa paa ilang taon na ang nakalilipas. Sa kabila nito, sinabi ni Richard na hindi niya nami-miss panoorin ang lahat ng shows ng super idol niyang si Dingdong, kabilang na ang infotainment show nitong Amazing Earth.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kaya naman nangako si Dingdong na kailangang magpagaling ni Richard para mai-guest niya ito sa kanyang show at personal nitong makita ang mga ginagawa niya sa taping ng Amazing Earth.

Lumapad pang lalo ang ngiti ni Richard, na nabuhayan ng loob na magpagaling sa kanyang karamdaman para matupad ang pangako sa kanya ni Dingdong, at makasama niya itong muli sa Amazing Earth, na pinapanood ni Richard every Sunday, bago ang 24 Oras Weekend, sa GMA 7.

-Nora V. Calderon