Hinamon ni Pangulong Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa umano’y plano nitong ipapatay siya.

Sinabi ng Pangulo na batid niyang hindi siya gusto ng Amerika, pero hindi siya natatakot na matanggal sa posisyon.

“Nakatingin ako sa TV kasi gusto kong i-emphasize sa mga Amerikano, may mga CIA ngayon. Ang balita pa gusto nila akong patayin. Go ahead. Be my guest. After all, this country will remain the way it is if you get all the leaders,” sinabi ni Duterte sa kumbensiyon ng partidong Hugpong ng Pagbabago sa Davao City nitong Biyernes.

‘Kaya ‘pag pumutok ‘yung helicopter ko diyan. Sila ‘yan. They’re the only one interested,” aniya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Noong nakaraang taon, sinabi ng Pangulo na ayaw niyang pumunta sa Amerika dahil sa pangambang pinagpaplanuhan umano ng CIA ang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

Dati nang nilinaw ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na walang plano ang CIA laban sa pamumuno ni Duterte.

-Genalyn D. Kabiling