SA thanksgiving presscon ng katatapos lang na The Blood Sisters, ibinunyag ni Jake Cuenca na matagal na siyang may itinatagong paghanga sa bida ng serye na si Erich Gonzales.

Erich at Jake copy

Kontrabida si Jake kay Erich sa Blood Sisters, pero sa Instagram post ng aktor ay sinabi niyang mahirap maging masama sa isang taong hinahangaan mo, saka idinugtong na matagal na siyang may itinatagong crush kay Erich.

“Totoo naman. Naging isang challenge na na-enjoy ko naman, naging okay ‘yung role ko as Rocco. Medyo kailangang sabihin sa sarili ko na huwag maging reluctant na maging masama. Kasi ang hirap maging masama sa crush mo,” pag-amin ni Jake.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kinumpirma ng aktor na matagal na niyang secret crush si Erich.

“Matagal na! Definitely. Ever since, mayroon nang attraction doon, I think first time lang ako nagkontrabida na naawa ako sa bida. First time ko lang naramdaman ito, ‘pag ginagawa ko naman ito sa ibang bida, ‘di naman ako naaawa.

“’Di naman ako naawa kay Gerald (Anderson), ‘di naman ako naawa kay Coco (Martin),” aniya, tinukoy ang pagpapahirap din niya noon kay Gerald sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin at kay Coco sa pelikulang Ang Panday.

“Kay Erich, kaunti na lang ‘di ko na gagawin. Sabi ko na lang sa sarili ko, ‘Jake, alam mo aktor ka. Kailangan mo na gawin iyan na walang bahid pag-aalinlangan. Huwag mong i-judge ang character mo at gawin mo na lang.’

“Nung tinanggal nila ‘yung love part sa kuwento, ako ‘yung nanghinayang,” pag-amin pa ni Jake.

Ikinuwento pa niya na special request niya kay Ms Cory Vidanes, ang chief operating officer of broadcast ng ABS-CBN, na gusto niyang makatrabaho si Erich.

“Naalala ko nung nagganito (thanksgiving presscon) din tayo, nung Ikaw Lang Ang Iibigin, nandun si Tita Cory. Then humirit ako, ‘Tita Cory, bakit ‘di ninyo ako ipasok sa The Blood Sisters?’ Humihirit na ako ng ganun.”

Higit daw sa pisikal na ganda ang hinahangaan ni Jake kay Erich.

“Nakaka-turn on din sa akin ‘yung talentadong tao, passionate na tao. I always wanted to work with her. Nakita ko ang Siargao. Wow! Seksi siya, bukod dun magaling na artista.

“She’s special, I think what she shows in the show is remarkable, ‘yung three roles. Na-appreciate ko ‘yung ginagawa niya for the show, ‘yung patience na ibinibigay niya. Teleserye, ‘di madaling gawin, it is so much harder than a movie, and then three roles!”

Kasabay nito, kinumpirma ni Jake na sa ngayon ay wala siyang girlfriend. Pero hindi lang daw niya alam kung may boyfriend o wala si Erich.

‘Girlfriend? Wala ako. Wala ba (boyfriend si Erich)? ‘Di ko alam, ‘di ko alam kung may boyfriend ba siya o wala. Hindi ko pa natatanong. Nahihiya ako.”

Gayunman, inamin ng aktor na lumalabas siya ngayon para makipag-date.

“I’m not gonna lie, obviously nakikipag-date ako. Pero wala ako sa sitwasyon na mangako sa isang tao [na] kaya ko nang mag-commit. Ang dami ko ring ginagawa.

‘I am producing my second film after Requited, it is about story of stuntman in the Philippines. I got Dondon Santos as my director, and I am also working close with Ferdie Lapuz and Eduardo Roy. As much as I want direct it myself, I have to very honest and just choose the best director.”

Aalukin ba ni Jake si Erich para maging bahagi ng kanyang movie?

“I wish I could, sana one day. Pero ito naman kasing movie na ginagawa namin, very male centric naman, pero delicate din ‘yung kuwento.”

Hindi ba siya natatakot na ma-typecast bilang kontrabida?

“My mission, my point that I always try to make as an actor is that if you’re good enough then you don’t get typecast for one role.

“Bida ako sa next soap ko, lead na ako sa next show ko. So abangan ng tao ‘yun.

“Pero if you’re gonna ask me right now, what I enjoy more doing, I enjoy more doing a kontrabida role, it’s more fun. For me, it’s closer to being a real person in real life kasi minsan sa napapanood natin it’s too good to be true.

“Now that they gave me a role na lead naman, I’m thankful. I accept it with open arms. It’s a sexy drama,” sabi ni Jake.

Sa pagtatapos ng Blood Sisters, nagpasalamat si Jake na naging bahagi siya ng show, kahit pa ipinasok ang character niya sa halos kalagitnaan na ng show.

“Masaya, okay naman ako sa role na ibinigay nila kahit sa gitna ako nilagay, natuwa ako sa reaksiyon ng mga tao sa akin,” sabi ni Jake. “Happy naman ako and very thankful.”

-ADOR V. SALUTA