Ipinasa ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang HB 7773 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act na tutulong sa libu-libong mahihirap na Pilipino.
Layunin ng panukala na ma-institutionalize ang 4Ps upang mabawasan ang kahirapan at maisulong ang human capital development.
Sa ilalim ng HB 7773, ang bawat kuwalipikadong household-beneficiary ay tatanggap ng lump-sum conditional cash transfer (CCT) na katumbas ng P2,200 bawat buwan para sa gastusin sa kalusugan, nutrisyon, at edukayson.
-Bert De Guzman