Arestado ang umano’y miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Carcar, Cebu, kahapon.

Sa ulat ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), kasalukuyang nakakulong si Pelonio Oger Roma, 68, matapos na arestuhin sa inuupahan nitong bahay sa Barangay Ocaña, Carcar City. Paliwanag naman ni PO2 Allan Villasurdan, officer on-case ng Carcar City Police Station, dinakip si Roma sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Judge Gilbert Moises ng Regional Trial Court (RTC) Branch 18 ng Cebu City.

Nasamsam kay Roma ang isang cal.45 pistol at isang granada.

Kaugnay nito, sinisilip pa ng awtoridad ang ulat na plano ng nasabing bandidong grupo na magsagawa ng pag-atake sa Cebu, sa tulong na rin ng pakikipag-alyansa umano sa grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Fer Taboy