Dumating na sa bansa ang South Korean girl group na Momoland nitong Huwebes ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Chavit at Momoland copy

Lumapag ang girl group sa Manila dakong 10:55 ng umaga via Asiana Airlines flight.

Una nang inihayag ng mga miyembrong sina Daisy, Nancy, at Ahin ang pagdating sa Pilipinas sa kanilang Facebook Live session, ngayong Agosto para makita ang kanilang Pinoy fans.

Tanyag ang Momoland sa kanilang hits na Bboom Bboom at Baam.

Tsika at Intriga

Kelangang i-vlog? Luis, sinupalpal basher ng pagpapa-colonoscopy at gastroscopy niya

May exclusive at private performance ang Momoland sa Solaire ngayong weekend.

Samantala, nagkaroon naman ng Facebook live event ang grupo kahapon.

-Manila Bulletin Entertainment