SA co-stars nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa unang teleserye nila sa ABS-CBN Star Creatives na Ngayon at Kailanman, isa si Ina Raymundo na walang nakikitang nega sa PDA (public display of affection) movements o paglalambingan ng JoshLia love team even off screen.

Ina

Sa katunayan daw, ayon kay Ina, ay naghahatid pa raw ito ng good vibes sa kanilang lahat sa taping ng serye.

Gumaganap na ina ni Julia sa serye, sinabi ni Ina na iba ang epekto sa kanya ng tinagurian niyang “JoshLia magic”.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang masasabi ko lang sa JoshLia, ‘yung PDA nila tamang-tama lang. Nakaka-good vibes.

“Tapos pag-uwi ko, dala-dala ko ‘yung sweetness nila. Tapos ‘yung asawa ko nagtataka sa akin bakit daw parang pini-flirt ko siya.

“I’m not joking! Naiinggit ako sa kanila, na bakit hindi ko puwedeng gawin uli sa asawa ko, and kinikilig naman ‘yung asawa ko. Ha, ha, ha!

“Kaya may magic ang JoshLia. Alam mo, what you see is what you get. Sweet sila ‘pag nagtatampuhan sila. Para silang tipikal na alam mo ‘yun, naaaliw ako sa kanila.

“Sabi ko nga ‘yung role ni Julia rito, she reminds me of Robin Padilla na girl version. Ang galing-galing niya!” kinikilig na kuwento ni Ina sa Q&A portion ng presscon ng Ngayon at Kailanman, na ipalalabas na sa Monday sa Primetime Bida ng Dos.

-MERCY LEJARDE