Ni Edwin Rollon

MAGANDANG balita sa bayang karerista.

KINUKUNAN ng video sa kanyang mobile phone ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra si billiards World Champion Carlo Biado na nagpamalas ng kahusayan sa exhibition game sa opening ceremony ng Marlon Manalo billiards championship sa Mandaluyong City.

KINUKUNAN ng video sa kanyang mobile phone ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra si billiards World Champion Carlo Biado na nagpamalas ng kahusayan sa exhibition game sa opening ceremony ng Marlon Manalo billiards championship sa Mandaluyong City.

Nagkakaisa ang tatlong horseracing club sa bansa – Manila Jockey Club, Inc., Philippine Racing Club, Inc. at Metro Manila Turf Club, Inc. – na ibalik ang Forecast sa lahat ng programa ng karera, gayundin ang Daily Double event, ngunit ilalarga lamang ito sa huling programa ng karera.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ang pagpupulong ng mga opisyal na sina MJCI chairman Atty. Alfonso Reyno Jr., PRCI Senior Vice President at COO Mr. Santiago Cualoping III at MMTCI Chairman & President Dr. Norberto Quisumbing, Jr., ipaprubahan din ng grupo ang Forecast event ay siyang pagbabatayan sa anumang ‘substitution’ maliban lamang sa penultimate race.

“The three racing clubs have agreed and convened during our meeting this afternoon to adopt the following changes effectively today,” pahayag sa sulat ng grupo kay Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na may petsang Agosto 16, 2018.

Kaagad naman itong tinugunan ni Mitra sa sulat na may pareho ring petsa.

“The Games and Amusement Board (GAB) welcomes this development as it will help strengthen the horseracing industry,” pahayag ni Mitra.

Ayon kay Mitra, napapanahon din ang naging desisyon ng mga opisyal ng racing clubs, bunsod na rin nang pag-aray ng mga horse-owners association sa malaking kabawasan sa kanilang kita at premyo sa bawat karera.

“Nagpapasalamat tayo sa naging desisyon ng racing clubs, dahil talagang tinamaan ng malaki rito ang mga horse-owners. Umaaray na sila, actually, humingi na rins ila ng tulong sa atin para makumbinsi ang mga racing clubs na irekonsidera ang naunang desisyon,” sambit ni Mitra.

Sa hiwalay na sulat na may petsang Agosto 15, 2018, humingi ng ayuda sa GAB ang tatlong horse-owners group na sina Antonio V. Tan, Jr., Vice President ng MARHO; Emmanuel A. Santos, President ng PHILTOBO at Bayani C. Conching, President ng Club Don Juan.

“As you know, the entire horse racing industry is suffering a lot of lossess and hurting a lot of horse owners. With this note, e would like to suggest the return of the betting for Daily Double and Forecast immediately please,” pahayag sa sulat ng horse-owners.

“Kindly help us with the race clubs on this. They did it without consultation among industry players and now the effects are overwhelming. We are on a continuous downfall and we would like to address this,” anila.

Matatandaang inalis ng racing clubs ang Daily Double at Forecast sa programa ng karera kamakailan bilang tugon para maabatan ang epekto ng mga karagdagang buwis na naipataw bunsod ng TRAIN Law sa industriya ng karera.

“Umaasa tayo na sa naging desisyon ng racing clubs ay manumbalik ang sigla ng industriya na kailangan ng marami nating kababayan, higit yaong mga direktang nakadepende rito,” pahayag ni Mitra.