UMAASA ang Marfori-Philippines chess team sa magandang performance sa pagtulak ng ASTRO Merdeka Rapid Open Team Chess Championship – bahagi ng 2018 Malaysian Chess Festival -- sa Agosto 17-18 sa Cititel Midvalley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang mga miyembro ng Marfori ay sina Grandmaster elect Ronald Dableo (Fide Rapid rating 2405), Fide Master Leonardo Carlos (2263), Arena Grandmaster and Fide Master elect Roberto Suelo Jr. (2250) at Michael Angelo Palma (2057).
“ We’ll do our very best for flag and country,” sabi ni Dableo na kinakailangan mapataas ang 2407 sa 2500 Fide (Elo) standard rating para makumpleto ang kanyang GM title status.
Sina Dableo, Carlos, Suelo at Palma ang kumatawan sa Marfori, Philippines chess team na nagkampeon sa Merdeka Rapid Open Team Chess Championship noong 2015 edition.
Si Dableo ay isa sa mga miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team at head coach ng University of Sto. Tomas chess team. Si Carlos naman ay head coach ng University of the Philippines chess team at top player ng Meralco chess team.
Ang Singapore-based na si Suelo, isang chess instructor at chess teacher ay dating mainstay ng Barangay Malamig, Rizal Technological University chess team na nakamit ang kanyang National Master title after matapos magkampeon sa 1996 Philippine Junior Chess Championships.
Habang ang Malaysia-based na si Palma ay dating pambato ng Mapua Institute of Technology chess team.