MALAKING kapalpakan ang nagawa ng inupahang tao ng pamunuan ng FPJ’s Ang Probinsiyano nang gamitin ang wedding picture nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, maging ang litratong kasama ng mag-asawa ang anak nilang si Letizia, nang walang pahintulot sa dalawang pagkakataon.

DINGDONG AT COCO

Base sa aming impormasyon, inaayos na raw ng legal department ng ABS-CBN ang nangyari makaraang humingi ang network ng dispensa kay Dingdong at sa pamilya nito, sa isang official statement. Tinanggap naman daw ni Dingdong ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN.

Curious kami kung anong sanction ang gagawin ng pamunuan ng action serye ni Coco Martin sa taong in-charge sa props, o baka naman tuluyan na itong tinanggal.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon naman sa aming source, “hindi naman siya tatanggalin, isa-sanction lang at hindi ko alam kung ilang buwan (sususpendihin).”

Sa pagtatanong namin ay minimum of six months ang parusang ibinibigay sa taga-production kapag nagkamali, pero depende pa rin daw kung anong kalalabasan ng imbestigasyon, dahil dalawang beses itong nangyari.

May pakiramdam kaming abut-abot ang paghingi ng pasensiya ng taong nagkamali sa pamunuan ng Team Probinsyano, lalo na kay Coco, dahil pangalan ng aktor ang nakataya sa programa.

Samantala, pinatay na sa kuwento ang isa sa mga miyembro ng Vendetta na si Happy at si Marco (JC Santos), na karibal ni Cardo Dalisay (Coco) kay Alyanna (Yassi Pressman).

Abangan ang paniningil ni Vice President Cabrera (Edu Manzano ) sa grupo ni Cardo sa pagpatay nila sa anak niyang si Marco.

Kaya lumalabas na dalawang grupo na ang nag-uunahan sa ulo ni Cardo Dalisay, bukod pa sa mga pulis.

-Reggee Bonoan