NA-FAKE news si Ian Veneracion! Nabalitang namatay ang aktor dahil daw sa aksidente sa motorsiklo, at si Ian mismo ang nag-post ng screengrab ng nasabing maling balita sa kanyang social media account.

Ian

Ipinost ng aktor ang post ng IntlBroadcasting.Info: “PANOORIN: Ian Veneracion patay, matapos madisgrasya ang minamanehong motor.”

Para mas maniwala ang makababasa ng nasabing fake news, ginamit ang litrato ng aktor na nakasakay siya sa motorsiklo.

Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

Ang nakakatawa, ang nasabing litrato ay kuha pa noong Nobyembre 18, 2017, noong nasa Utah sa Amerika si Ian.

Tinawanan lang ni Ian ang fake news, at nag-comment: “Kaya pala ‘di ako pinapansin ng asawa ko.”

Anyway, kasama si Ian sa cast ng horror movie ng Star Cinema na Block Z, sa direksiyon ni Mikhail Red. Tampok din sa pelikula sina Joshua Garcia, Julia Barretto, Maris Racal, at Markus Paterson.

-Nitz Miralles