SA grand mediacon ng ABS-CBN Star Creatives’ newest serye na Ngayon At Kailanman, airing sa Agosto 20, 2018, Lunes, ay natanong ni Yours Truly ang mga bidang sina Joshua Garcia at Julia Barretto kung flattered or nao-offend ba sila kapag sinasabihan silang younger version nina John Lloyd Cruz at Gretchen or Claudine Barretto?“Ako po, okay lang sa akin. Flattered po ako. Hindi naman po ako nao-offend. Siyempre, John Lloyd Cruz po ‘yun, eh,” nakangiti pero mahinang sagot ni Joshua, na style rin talaga ni Lloydie sa pagsagot.

Joshua at Julia

How about you, Julia?

“Flattered na flattered po. Walang po akong dapat ika-offend,” ngiting-ngiting sey ni Julia sa pagkukumpara sa kanya sa dalawang tiyahin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Mas kanino niya gusto maikumpara, kay Gretchen or kay Claudine?

“Both. Because I love them both. I love my Tita Gretchen and my Tita Claudine. Both of them are very good in acting.”

Eh, ‘yun bang PDA (public display of affection) nila, natural na sa kanilang dalawa, or gusto lang makatawag ng pansin at attention?

“Ganu’n na po kami parati. Nasanay na siguro sa pagiging sweet sa isa’t isa kapag magkasama,” nangingiting sabi ni Joshua.

Well, kunsabagay, sabi nga ni Yours Truly sa dalawa during the Q&A portion ng presscon, when you are so much in love, feeling n’yo kayo lang ang tao sa mundo. Feeling n’yo ang sarap nakawin ng bawat sandali, hindi ba?

“Ha, ha, ha! Ikaw pala, Tita, ang may feeling nang ganyan, eh. Dapat dito ka rin,” biro ni Julia.

Hindi naman, nakaka-relate lang sa PDA n’yo. ‘Yun na, char!

All-star cast ang makakasama ng JoshLia sa Ngayon At Kailanman, tulad nina Rio Locsin, Iza Calzado, Alice Dixson, Dominic Ochoa, Ina Raymundo, Christian Vasquez, TJ Trinidad, Jameson Blake, Joao Constancia at ang beteranang aktres na nagbabalik-telebisyon na si Rosemarie Gil.

Ang Ngayon At Kailanman ay mapapanood gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsiyano simula sa Lunes, Agosto 20, only at ABS-CBN Primetime Bida.

-MERCY LEJARDE