SA grand presscon for Ngayon at Kailanman last August 13 sa Dolphy Theater, sinagot ni Alice Dixson, isa sa mga bibida sa serye, ang isyu sa pagpo-post niya ng kanyang photos while swimming in Boracay, despite the mandated six-month closure by the government.

Alice

Sa kanyang pahayag, nilinaw at kinumpirma niyang siya ay resident of Boracay for a year now.

Kasabay ng pagkalat ng kanyang Boracay photos, lumabas din sa social media at newspapers na siya’y married to a “top executive” of Crimson Resort and Spa Boracay.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“I don’t wanna answer the part about being married. I’ll answer the part about being in Boracay.

“Yes, I’m a resident there. Yes, I was there on my birthday.

“Yes, I did post some pictures on my Instagram because natuwa lang ako because there was nobody on the beach when I was there.

“And I know na never ‘yun mangyayari ulit sa buhay ko”

Dahil sa presence ni Alice sa Boracay sa panahong ipinagbabawal ang mga turista sa isla hanggang hindi pa uli ito nabubuksan sa publiko, naniwala ang mga netizens na si Alice nga ay married sa nasabing top executive ng resort.

Sa isang official statement mula sa Chroma Hospitality Inc., the management company of the Boracay resort, further read that both the unnamed hotel executive and Alice are considered “residents of the island with proper documentation.”

Pahayag pa ni Alice, she did not expect that taking photos and videos of the deserted Boracay island will result to netizens fielding her with negative comments.

“I never thought I would hear so much public outcry for that. Parang ang laki ng kasalanan ko. But in the same sense, hindi ko naman ma-explain-explain.”

Alluding to her married status being known to public, she added, “And I didn’t feel that I need to explain my personal life in the whole world. But now that it has happened, alam n’yo na. Ha, ha, ha!”

Ibinahagi naman ni Alice ang ang kanyang observation about the ongoing rehabilitation of Boracay.

“Ang pinakamagandang nakita ko sa Boracay, gusto ko po i-share sa inyo, tinanggal na po ‘yung obstruction sa beach. ‘Yung mga walang pemit na you’re supposed to have a certain amount of feet na setback from the beach, ngayon tinanggal na ‘yung mga obstruction. Mas maa-appreciate mo na nasa beach ka talaga pagbalik natin doon.”

If all goes as planned, Alice said that the government-led rehabilitation project may be completed in time for the target reopening of Boracay on October 26.

Talking about other improvements in the island, Alice elaborated, “Hindi ko pinakita yung road widening na ginagawa. Sinadya ko ‘yun kasi ayokong pintasan.

“When people have a little bit of information na negative, they blow it up. And a lot of things [compared to showbiz] even worse pala ang politics. Binabato sa gobyerno ‘yung mga negative na balita right away.

“They always play the blame game, and I don’t want that to happen because everybody is working very hard na mag-open na ang Boracay end of October,” paniniguro pa ng aktres.

-MERCY LEJARDE