QUITO, Ecuador (AP) — Sinasabing nawalan ng preno, sumalpok sa isa pang sasakyan at apat na beses na gumulong ang bus na kumitil ng hindi bababa sa 24 na tao at sumugat sa 22, at inararo rin ang ilang bahay sa gilid ng highway malapit sa kabisera ng Ecuador, nitong Martes.

Patungo sanang Quito ang Colombian-registered bus nang salpukin nito ang isang maliit na sasakyan sa lugar na kilalang “dead man’s curve”, dakong 3:00 ng madaling araw.

Sa ulat ni Col. Wilson Pavon, pinuno ng Ecuador transit police, karamihan sa mga nasawing pasahero ng bus ay Colombian at ilang Venezuelan habang patay din ang tatlong katao na sakay sa nakabanggaang sasakyan.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline