‘MEET AND GREET’ sa US-based Pinoy fans nina Nietes at Palicte.
‘MEET AND GREET’ sa US-based Pinoy fans nina Nietes at Palicte.

LOS ANGELES – Bilang pagsuporta at pagnanais ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho dito, magsasagawa ng “meet and Greet’ para kina Pinoy world champion Donnie Nietes at Aston Palicte sa Agosto 25 sa Los Angeles Filipino Cultural Center.

Inorganisa ng Filipino-American group, ang naturang pagtitipon ay magsisimula ganap na 10:00 ng umaga at naglalayong mapagisa ang komunidad para sa matagumpay na duwelo ng dalawang pamosong Pinoy fighter.

Nakataya sa laban nina Nietes at Palicte ang WBO Super Flyweight Championship. Bahagi ang laban ng ‘Superfly 3’ na itinataguyod ng 360 Promotions ni Tom Loeffler, sa pakikipagtulungan ng Roy Jones Jr Promotions, Tecate, Chivas Regal, The Forum at HBO.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakda ang SuperFly 3 sa Fabulous Forum sa Inglewood sa Setyembre 8 at mapapanood ng live sa HBO After Dark.

Ito ang ikatlong pagkakataon sa kasaysayan sa nakalipas na 90 taon na kapwa Pinoy ang maglalaban sa world championship.

Sa naturang ‘Meet and Greet’. May pagkakataon ang Filipino community, media at boxing fans na makasama ang dalawang fighters para sa photo op, autographs at balitaan.

Mabibili rin ang limited edition t-shirts na dinisenyo ni Filipino artist Jun Aquino. Bahagi ng kikitain ay mapupunta sa charity, kabilang na ang Dentistry For Every Village Foundation, Inc, na nagsasagawa ng quarterly humanitarian dental services para sa mahihirap at abang mga Pinoy sa mga lalawigan.