Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang ilang bayan sa Occidental Mindoro, kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 45 kilometro sa timog-kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro, dakong 9:37 ng umaga.

May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Looc, habang Intensity 2 naman sa Lubang, parehong sa Occidental Mindoro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Paglilinaw ng ahensiya, walang inaasahang pinsala ang lindol, at wala ring aftershocks. - Jun Fabon