FLYING SCOOTER
FLYING SCOOTER
Ibinahagi ng isang Chinese inventor sa isang video ang isang homemade flying machine, na tinawag niyang ‘world’s first “flying scooter.”

Ini-record ni Zhao Deli, ang ginawa niyang test flight sa Dongguan City, Guangdong Province upang ipagmalaki ang kakayahan ng naibento niyang “flying scooter,” na kaya umanong magsakay ng isang tao at kahawig ng isang malaking quadcopter na drone.

Ayon sa imbentor, sa ngayon kayang mag-angat ng hanggang 220 pounds na bigat ang flying scooter sa bilis na 45 mph.

Pinaplano naman niyang i-demonstrate sa pamamagitan ng pagtawid sa yellow river ang kanyang flying scooter, na sa ngayon ay kayag manatiling lumilipad sa loob ng 36 na minuto. - (UPI)

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline