MAINIT na tinanggap ng fans sa Thailand ang Kapamilya stars na sina Daniel Padilla, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, at Maja Salvador sa naganap na JKN Blue Mega Showcase, kung saan ipinakilala ang mga bagong ABS-CBN shows na eere sa Land of Smiles.

Maja, Echo, Anne, Daniel, at Kathryn

Ipinakilala na ng JKN Global Media, isa sa mga pinakamalaking networks sa Thailand, ang mga Kapamilya stars bilang bida sa mga bagong acquired shows nito mula sa ABS-CBN—ang mga teleseryeng La Luna Sangre, Wildflower, at Magpahanggang Wakas na may international title na I’ll Never Say Goodbye.

Rumampa at kumanta sina Jericho, KathNiel, at Maja sa pinaka-inaabangang pagdiriwang na dinaluhan ng maraming Thai fans na nais makita nang personal ang mga artistang bida sa Pangako Sa ‘Yo, Bridges of Love, at The Legal Wife, ang mga teleseryeng matagumpay na ipinalabas na rin sa Thailand.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Naging bisita rin ang mga Kapamilya artists sa iba’t-ibang Thai news shows at sa talk show mismo ni Anne Jakkraphong Jakrajutatip, isang tanyag na celebrity at siyang CEO ng JKN Global Media.

Ayon kay Anne, ikinagalak nila ang pagdalo ng mga big stars ng ABS-CBN sa JKN Blue Mega Showcase, dahil nagbigay ng bagong klase ng entertainment ang mga naturang show sa mga Thai viewers, na nagpasaya rin ng Filipino fans na naninirahan doon.

Patuloy na namamayagpag ang Kapamilya shows sa ibang bansa dahil sa ABS-CBN International Distribution.