WALANG sariling identity si Janine Gutierrez dahil lagi siyang ikinukumpara sa Hollywood celebrities na sina Mila Kunis, Anne Hathaway, Kylie Jenner, Kendall Jenner, Kaia Gerber, Alexandra Daddario, Selena Gomez, Lucy Hale, pati na rin kay Catherine Zeta Jones.

Alden at Janine copy

Tuwing nagpo-post si Janine ng picture sa social media, naikukumpara siya sa isa sa mga nabanggit na Hollywood celebrities, na ipinagpapasalamat naman ng aktres.

Maganda talaga si Janine, may make-up man o wala, kahit nakasuot lang ng simpleng t-shirt, denims at flip flops lang ay lutang pa rin ang ganda niya. Kaya nakakatawa ‘yung bashers na for sure, ang karamihan sa kanila, sa TV at photos lang nakita si Janine, sila pa ang may ganang mam-bash at sabihing “pangit” si Janine at puro make-up lang.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Heto nga at na-bash na naman si Janine at pati na si Andrea Torres nang samahan nila si Alden Richards na pumunta sa History Con sa World Trade Center last Saturday para i-promote ang Victor Magtanggol. Kasama rin sa promotion sina Pancho Magno at Reese Tuazon, bumisita sila sa booth ng HOOQ dahil mapapanood na sa naturang live streaming site ang Victor Magtanggol simula Agosto 16.

Inanunsiyo na rin ng HOOQ via Twitter na ang Victor Magtanggol ay mapapanood na sa lahat ng HOOQ countries gaya ng Thailand, Indonesia at Singapore.

Kaya may rason si Alden, lalo na sina Janine at Andrea na dedmahin ang bashers nila. Hindi na lang sa Pilipinas mapapanood ang Victor Magtanggol, pati na rin sa ibang parte ng Asia.

-NITZ MIRALLES