Inaresto ang isang estudyante na umano’y tulak ng marijuana sa Barangay Parang, Marikina City, bandang 5 :00 ng hapon kamakalawa.

Inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police Station ang suspek na si Mark Joseph “MJ” Regaspi, 20, sa buy-bust operation sa No. 27, Bgy. Parang, ang lugar kung saan plinano ang transaksiyon sa pagitan ng undercover police, police asset, at suspek.

Narekober ng awtoridad ang tatlong zip locked plastic ng hinihinalang marijuana o “KUSH”, isang improvised tube pipe, P1,000 buy-bust money, at isang pitaka.

Nahaharap si Regaspi sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-HANAH TABIOS