BINIGYAN ni Marian Rivera ng black boots si Kyline Alcantara para magamit ng dalagita sa concert nito.

Kyline copy

Masayang nagpakuha ng litrato ang singer-actress hawak ang boots na bigay ni Marian, na siguradong isusuot niya sa kanyang Kyline Take FL1ght concert sa Skydome sa September 8.

Tiniyak din daw ni Marian kay Kyline na may ate ito sa kanya, at kung may kailangan si Kyline ay lumapit lang kay Marian. Siyempre pa, tuwang-tuwa si Kyline na isang Marian Rivera ang nagmamahal sa kanya at itinuturing na siya ngayong kapatid.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Naging close si Kyline kay Marian nang magsimulang mapasama ang una sa mainstays ng Sunday PinaSaya. Naaalala rin namin na laking tuwa ni Marian nang bigyan siya ng flowers ni Kyline noong Mother’s Day. Ipinost pa ni Marian sa IG Story niya ang flowers na bigay ni Kyline.

Anyway, nakita namin sa GMA Network noong isang araw si Kyline. Galing siya sa meeting para sa kanyang birthday concert. September 3 ang birthday niya at September 8 naman ang concert. Guests ni Kyline sina Derrick Monasterio, Migo Adecer, Mavy Legaspi (anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel), at si Kristoffer Martin.

Para makapaghanda sa kanyang concert, pahinga muna sa mall shows si Kyline ngayon. After ng August 12, hindi muna siya mapapanood nang live sa Sunday PinaSaya. Maiintindihan ito ng kanyang fans at para rin naman sa kanila ang gagawin ni Kyline.

Sabay sa concert ang launching ng first album ni Kyline under GMA Records. Tapos na ang recording ni Kyline sa kanyang five-track album.

-Nitz Miralles