Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng umano’y shabu at marijuana sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Nakakulong sa Taguig City Police si Albert Amilasan y Espinosa, nasa hustong gulang, ng Barangay Central Bicutan ng nasabing lungsod.

Sa ulat, nagsagawa ng SACLEO ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 at Barangay Security Force sa Edoria Street, Bgy. Central Bicutan at naaresto ang suspek, dakong 1:30 ng madaling araw.

Dahil sa kahina-hinalang kilos, nabisto ang suspek sa isang pakete ng hinihinalang shabu, na may timbang na 0.1 gramo; at isang pakete ng umano’y marijuana.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban kay Amilasan.

-Bella Gamotea