Iginisa ng mga kongresista ang mga heneral ng pulisya na nakatalaga sa Northen Luzon kaugnay ng mga paghahanda upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa 2019 elections.

Kabilang si Police Regional Office 2 (PRO2) director, Chief Supt.

Mario Espino, sa tinanong nang husto ni House Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle vice chairperson at Cagayan 2nd District Rep. Bayby Aline Vargas-Alfonso, kaugnay ng kanilang partisipasyon sa darating na halalan.

“Practice ba sa PNP na kapag may eleksyon or during election time na sumali kayo sa election campaign?” pag-uusisa nito kay Espino.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaagad namang nilinaw ni Espino na bilang isang non-partisan organization ay bawal lumahok ang PNP sa eleksyon.

Isinagawa ang pagtalakay sa mga hakbang panseguridad nang humarap sina Espino, Romulo Sapitula (PRO1 Director), Rolando Nana (PRO-Cordillera Administrative Region Director), at Benjamin Hulipas (Deputy Director for Integrated Police Office North Luzon), sa mga kongresista upang ilahad ang kanilang accomplishment, aksyon at adhikain para sa peace and order sa Cagayan Valley region.

Humarap din sa pagdinig si Committee chairman Rep. Deogracias Victor Savellano (First District, Ilocos Sur).

-Bert de Guzman