Susunod si Ombudsman Samuel Martires sa utos ng Malacañang pagdating sa dismissal ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.

Si Carandang ay ipinag-utos na sibakin sa desisyon noong Hulyo 30 dahil napatunayang may pananagutan siya sa graft and corruption at betrayal of public trust. Inilabas ito ilang buwan matapos niyang ibunyag sa media ang tungkol sa bank probe na kanilang isinasagawa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Carandang na ibinahagi sa kanila ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bank transactions ni Duterte. Gayunman, itinanggi ito ng AMLC.

“I have no choice, but it will depend on ODO,” sinabi ni Martires sa mga mamamahayag matapos ang kanyang oath-taking ceremony sa Supreme Court kahapon ng umaga. “I don’t think he’s that hard-headed, I see him as a very reasonable guy, I knew him since I was in the Sandiganbayan, I think ODO Carandang will just follow what the law provides.”

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ngunit sakaling magdesisyon si Carandang na maghain ng motion for reconsideration sa Court of Appeals (CA) kaugnay sa kanyang dismissal, sinabi ni Martires na maghihintay siya hanggang sa maresolba ng Malacañang ang mosyon.

“I think ODO Carandang still has 15 days to file his motion for reconsideration. I have to wait for that until such time that Malacañang denies that motion for reconsideration, shall I cross the bridge,” aniya.

Tumanggi ang sinundan ni Martires na si Conchita Carpio Morales, na kilalanin ang 90-day suspension na ipinag-utos ng Office of the Executive Secretary (OES) noong Enero kaugnay sa parehong usapin.

Iginiit na ang Ombudsman, at hindi ang Pangulo, ang maaaring magdisiplina sa ODO. Nang pigain kung ano ang gagawin niyang sakaling gamitin ni Carandang ang parehong argumento, sumagot si Martires na: “No comment, no comment, ‘wag ninyo ako ipitin diyan.”

Si Martires, dating SC associate justice, ay nanumpa kahapon bilang Ombudsman sa harap ni Acting Chief Justice Antonio Carpio.

-CZARINA NICOLE O. ONG at BETH CAMIA