MANANATILING Kapuso ang mahusay na aktor na si Gabby Concepcion nang muli siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network, kahapon. Nilagdaan ni Gabby ang kontrata sa harap nina Atty. Felipe L. Gozon, Chairman & CEO of GMA at Ms. Lilybeth G. Rasonable, Senior Vice President of GMA Entertainment TV, kasama ang manager niyang si Popoy Caritativo.

Gabby copy

Bago pumirma sa bagong contract sa GMA, nag-post muna siya ng verse sa kanyang Instagram wall, aniya: “Sometimes when you least expect it, good things happen.”

Matagal-tagal ding nagpahinga si Gabby pagkatapos ng kanyang top-rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos noong Marso. Pero hindi naman siya nabakante dahil naggi-guest siya sa ibang shows ng GMA, at tuluy-tuloy ang shows niya here and abroad. Halos nalibot nga niya ang iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa invitations ng mga show, bukod pa ang GMA regional shows. May mga show din siya monthly sa iba’t ibang branch ng Casino Filipino sa bansa. Pero kung may free time naman si Gabby, sinusulit niya ito sa pamamagitan ng kanyang hobby na pagfi-fishing sa Nasugbu, Batangas.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Malalaman natin soon kung ano ang magiging first project ni Gabby sa kanyang new contract sa GMA.

Samantala, tuloy ang shooting ni Gabby ng pelikula, kasama si Aiko Melendez.

-Nora V. Calderon