Inulan ng batikos ang Zoo sa Egypt matapos nitong tangkaing lokohin ang mga tao, sa pamamagitan ng pagpipintura sa isang donkey ng itim at puti upang magmukhang zebra.

fake-zebra

Ipinost ni Mahmoud A. Sarhani ang isang kakaibang itsura ng zebra, na nakita niya sa kanyang pagbisita sa Cairo’s International Garden municipal park. Hindi lamang dahil sa mahabang tenga ng hayop, kundi dahil sa tila kumukupas nitong kulay ng balat.

Agad na nag-viral sa Facebook ang kuhang larawan ni Mahmoud, na ikinatuwa ng mga tao bagamat binatikos ito ng ilan dahil sa ginawa sa donkey.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Agad naman itong kinuha ng mga pahayagan at inimbestigahan ang insidente.

Samantala, sa kabila ng kumpirmasyon ng ilang veterinarian na donkey ang hayop, ay patuloy pa ring itinanggi ng pamunuan ng zoo ang balita at iginiit na zebra ito.