Bulagta ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kapwa dead on the spot ang mga suspek at isa sa mga ito ay kinilala sa alyas na Junjun.

Sa ulat ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), ikinasa ang naturang operasyon laban sa mga suspek sa San Miguel road, malapit sa Delpan bridge sa Binondo, dakong 2:00 ng madaling araw.

Nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon at nanlaban ngunit napatay ng awtoridad.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre . 9mm pistol at dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

-Mary Ann Santiago