Isang bangkay ng batang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Parañaque City, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Kinilala ang biktima na si Jyruss James Ordillas, 10, ng Barangay La Huerta, Parañaque City.

Sa naantalang ulat ng SPD, nadiskubreng palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa River Bank, Bgy. LA Huerta sa naturang lungsod, bandang 10:30 ng umaga.

Kaugnay nito, tumanggi ang ina ng bata, si Georgette, na isulong ang imbestigasyon dahil aksidente umano ang pagkalunod ng kanyang anak.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

-Bella Gamotea