HINDI nag-comment si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez nang tanungin ng mga reporter tungkol sa boyfriend na si Mark Herras at sa umano’y anak na babae ng aktor. May tsika kasing matagal nang hindi nakikita ni Mark ang anak sa kung anumang dahilan, na ayaw pakialaman ni Winwyn.

Mark at Winwyn

“Labas ako sa isyung ‘yun ni Mark dahil wala akong kinalaman doon. Ayaw ko siyang tanungin at basta tungkol sa anak niya, labas ako. Nangyari na ‘yun, nagkaroon siya ng anak na hindi pa kami, kaya wala akong karapatang makialam at kahit magtanong. Si Mark lang ang makakasagot sa mga tanong n’yo,” sabi ni Winwyn.

Gusto ni Winwyn ng good vibes lalo na at maganda ang takbo ng kanyang career. Naba-bash na nga raw siya at maba-bash pa kapag nag-comment siya tungkol kay Mark at sa anak nito.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Isa sa magandang nangyari sa career ni Winwyn ay ang mapasama siya sa cast ng entry ng Regal Entertainment sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at hindi lang siya basta kasama sa pelikula. Siya ang leading lady ni Vhong Navarro.

“Tuwang- tuwa ako nang sabihing leading lady ako ni Vhong sa Unli Life dahil noong bata pa ako at hindi pa ako artista, pinapanood ko lang siya at ang Streetboys sa TV ‘pag nagsasayaw sila,” kuwento ni Winwyn.

“Na a a l a l a ko pa , noong campaign ni Daddy (Joey Marquez), inimbita ang Streetboys, at talagang sa harap ng stage ako pumuwesto para mapanood sila. Dream ko na makasama silang sumayaw,” kuwento ni Winwyn.

Sa mall shows, sa promo ng Unli Life ay matutupad ang dream ni Winwyn na makasamang sumayaw si Vhong. Magkaiba kasi sila ng network, pero payagan kaya si Winwyn ng GMA-7 na mag-guest sa It’s Showtime para i-promote ang movie nila, na showing sa August 15-22?

-Nitz Miralles